Napakagandang pagmasdan, tila paraiso sa ating paningin ang maraming ibon na nagtatampisaw sa tubig. Sa mga probinsiya na lamang ang mga tanawing ito. Nakakalungkot isipin na sa sandaling panahon lamang, ang minamahal nating lungsod ng Maynila ay isa na ngayong malawak na lugar ng mga iskwater. Nagmasid na po ba kayo at ano ang napansin ninyo? Kalunos-lunos di po ba?